Mas matanda sa akin ang salitang kahirapan o poverty. Mas matanda pa sa aking mga ninuno. Daig pa siguro ang mga sorcerers na hindi namamatay sa movie film na The Sorcerer’s Apprentice. (Panoorin niyo. Maganda.) Laging ito ang aking paksa kapag nagpapagawa ang aking mga guro ng isang reaction paper o essay sa isang current issue. Hindi ko nga alam kung bakit hanggang ngayon ‘current’ pa rin. ‘Current’ na nga noon, ‘current’ ngayon, malamang bukas, ‘current’ pa rin. KAHIRAPAN nga naman. (Dapat naka-emphasized yan kase malaking current issue ito – malaking malaki.)
KAHIRAPAN nga naman. Hindi mawawala sa isang essay ang depinisyon ng paksa. Kahirapan o poverty ay ang kakulangan ng mga basic human needs tulad ng pagkain, bahay at mga damit. Isa ito sa mga sanhi kung bakit tayo nakikikape at biskwit sa mga namamatayan. Karamihan ng mga tao ay nakikipagsapalaran para lang makahanap ng mga kakailanganin nila upang mabuhay.
KAHIRAPAN nga naman. Lahat ay gagawin ng tao upang maibsan ang kahirapan. Magnanakaw. Papatay. Gagawa ng mga ilegal. Magpapakamatay para ito’y maiwasan. Magdroga, pampalipas gutom. Binebenta ang mga kalamnan. Kulang na lang ang ibenta ang kaluluwa.
KAHIRAPAN nga naman. Dahil dito, marami ang nagkakasakit. Marami ang nagugutom. Marami ang walang tirahan. Marami ang walang sapat na pananamit. Kulang na lang ay mawalan ka na ng kaluluwa.
KAHIRAPAN nga naman. Pustahan tayo, lahat ng mga naging Presidente ng Pilipinas ay nangakong susugpuin ang kahirapan sa ating bansa. Lahat ay nag-SONA at hindi mawawala sa kanilang speech ang mga katagang “Susugpuin ko ang kahirapan. Lahat tayo ay hindi na maghihirap.” Kasunod nito ay ang mga palakpak ng mga taong umaasa at naniniwala sa mga kasinungalingang pinagsasabi nila.
KAHIRAPAN nga naman. Bow.
1 comment:
Indeed. Nakakalungkot mang isipin.
Post a Comment